Wika ng Pag-ibig ni Ina:
Mga Kuwento ng Isang Taon
Noong Nobyembre ng 2024, inilunsad namin ang kampanyang “Wika ng Pag-ibig ni Ina,” na may hangaring magdadala ng kapayapaan sa buong mundo ang pag-ibig ni Ina.
Isang taon matapos nito, ang "Wika ng Pag-ibig ni Ina" ay
nagpasimula ng mga alon ng positibong pagbabago sa iba't ibang mga panig ng mundo.
Mga kuwento ng Isang Taon na namukadkad sa pamamagitan ng pag-ibig ni Ina!
Ngayon, tingnan natin ang mga kuwentong ito nang sama-sama.
Mga Rekord ng Isang Taon sa Isang Sulyap
Bilang ng mga Bansang Naabot ng
Wika ng Pag-ibig ni Ina

Bilang ng mga Taong Nagsagawa ng Wika ng Pag-ibig ni Ina sa Pang-araw-araw na Buhay

Bilang ng mga Pagsasagawa ng Bawat Isa sa
Pitong Wika ng Pag-ibig ni Ina

Bilang ng mga Wikang Ginamit sa mga Multilingguwal na Materyales Pangpromosyon Para sa Global na Pakikilahok

Bilang ng mga Beses na Ipinakita ang Poster ng “Wika ng Pag-ibig ni Ina”
ang Wika ng Pag-ibig ni Ina sa mga lugar na maraming tao ang dumaraan, kabilang ang mga eskuwelahan, mga lugar na pinagtatrabahuhan, at mga tanggapan ng pamahalaan.

Mga Sandali na May Pag-ibig ni Ina
Ang mga sandaling may pag-ibig ni Ina ay bumago sa araw ng isang tao, muling nag-ugnay sa mga pusong nagkalayo,
at nagdala ng pag-asa at init sa mga komunidad. Sa pamamagitan ng mga rebyu sa website,
ng paligsahan para sa mga rebyu sa mga liham, at ng mga rekomendasyon para sa mga natatanging nagsasagawa,
nakalap namin ang mga kuwento sa pagsasagawa ng Wika ng Pag-ibig ni Ina.
Ang kampanyang “Mga Wika ng Pag-ibig ni Ina”
na Nasa Sentro ng Atensiyon ng Media
Weekly Donga
Nobyembre 21, 2025
Pinaiinit ang Mundo sa Pamamagitan ng Wikang Naglalaman ng "Pag-ibig ni Ina"
Ang kampanyang “Mga Wika ng Pag-ibig ni Ina” ng Church of God ay umakit ng mahigit 2,250,000 kalahok mula sa 133 bansa.
Tingnan ang Artikulo
Itinampok ng magasin ang kampanya na isinagawa sa 133 bansa at ang kauna-unahang Seremonya ng Paggawad ng Gantimpala Para sa "Mga Wika ng Pag-ibig ni Ina," nagpapakilala ng mga totoong kuwento kung paanong ang isang simpleng salita ay nagdulot ng pagbabago sa tahanan at sa lipunan.Buwanang JoongAng
Hulyo 18, 2025
"Itanim natin sa AI ang pagpapahalaga ng dignidad ng tao!” … Nagsagawa ang ASEZ, isang internasyonal na grupo ng pagbuboluntaryo, ng isang forum na pinamagatang "Puso ni Ina sa Panahon ng AI."
Isinagawa ng University Student Volunteer Group ng Church of God ang forum sa Headquarters ng UN, kung saan iminungkahi ang isang direksiyon sa pagbuo ng etikal na AI na nakabatay sa mga pagpapahalagang maka-ina.
Tingnan ang Artikulo
Sa forum na ginanap sa Headquarters ng UN, ipinakilala ang kampanyang "Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan," at nakatanggap ng pansin ang mensahe na, "Ang pag-ibig ng isang ina ay dapat na maging pamantayan para sa hinaharap ng teknolohiya at etika sa Panahon ng AI."Munhwa Ilbo (Pang-araw-araw na Pahayagan)
Abril 15, 2025
Patawad dahil sa mga paghihirap na naidulot ko sa iyo.” … Ang mga simpleng salitang ito ay nagdala ng kasiyahan!
Kampanyang "Mga Wika ng Pag-ibig ni Ina"
Tingnan ang Artikulo
Ang isang mag-asawang dumaranas ng alitan ay nagbahagi ng kanilang kuwento kung paano nila nalutas ang mga alitan sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng kampanyang "Mga Wika ng Pag-ibig ni Ina," na nagpapakita ng kapangyarihan ng mga Wika ng Pag-ibig ni Ina na kayang magpanumbalik ng isang relasyon.
Nawa'y magdala ng kapayapaan sa mundo ang pag-ibig ni Ina!
Mula sa pagsilang ng kanilang mga anak, pinupuno ng isang ina ang puso ng kanyang mga anak ng pag-ibig at nagtatanim ng pag-asa sa bawat araw na magkasama sila.
Sa pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng kampanya na "Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan," umaasa kami na sa pamamagitan ng ating mga taos-pusong salita at mga kilos, maipadarama natin ang init ng pag-ibig ni Ina sa bawat sulok ng mundo na humaharap sa di-mabilang na krisis at mga alitan.
Nawa'y magdala ng kapayapaan sa mundo ang pag-ibig ni Ina!