Kampanya Para sa Pagdiriwang ng "Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan"
at "Internasyonal na Araw ng Pagpaparaya" ng UN
Lagda ng Pagsuporta sa
"Mga Salita ng Pag-ibig ni Ina"
na Nagsusulong ng Kapayapaan
Sa panahon kung kailan lumalalim ang pagkamakasarili, nababawasan
ang paggalang at pagsasama, at laganap ang alitan at karahasan,
ang sangkatauhan ay higit na naghahangad ng kapayapaan nang
higit kailanman.
Ang ginhawa at kapayapaang unang naramdaman sa yakap ng isang ina
pagkatapos maipanganak ay ang pinagmumulan ng "kapayapaan"
na lumalampas sa mga bansa, mga kultura, at mga etnisidad,
na sumasalamin sa buong sangkatauhan.
Ang pag-ibig ng isang ina na punô ng pagsasakripisyo,
paglilingkod, pangangalaga, paggalang, pagtitiis, at pagsasama,
ay mayroong makapangyarihang puwersa na nag-uugnay
at nagbubuklod sa sangkatauhan.
Ipinagdiriwang ng World Mission Society Church of God ang ika-60 anibersaryo nito sa taong 2024 at idineklara ang Nobyembre 1 bilang "
Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan." Sa Nobyembre ng bawat taon, ang Simbahan ay nagsasagawa ng global na kampanya para isagawa ang pag-ibig ni Ina sa pang-araw-araw na buhay, nagtataguyod ng komunikasyon at pagkakasundo. Nakaayon ang kampanyang ito sa "
Internasyonal na Araw Para sa Pagpaparaya (Nobyembre 16)" ng UN.
Ang tema para sa taóng ito ay "Ang mga Salita ng Pag-ibig ni Ina na Nagsusulong ng Kapayapaan." Nilalayon naming lumikha ng isang kultura ng magigiliw na salita sa mga tahanan, mga eskuwelahan, mga pinagtatrabahuhan, mga kapitbahayan, at lipunan, na nag-aambag sa paglikha ng isang mapayapang mundo.
Mangyaring bigyan kami ng iyong bukas-palad na suporta para ang maliliit na pagsasagawa ay magsama-sama upang baguhin ang mundo.
Lagda na Sumusuporta
Sumasang-ayon ako sa layunin ng kampanya ng "Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan" at ng "Internasyonal na Araw Para sa Pagpaparaya" ng UN (Ang mga Salita ng Pag-ibig ni Ina na Nagsusulong ng Kapayapaan) at sumusuporta sa mga aktibidad.