‘어머니 사랑과 평화의 날’ & UN ‘국제 관용의 날’ 기념 캠페인

Ang pag-ibig ng isang ina na natanggap
sa unang pagkakataon noong ipanganak sa mundong ito.
Ang walang pasubaling pagsuporta, konsiderasyon,
pagsasakripisyo, at paglilingkod para sa kanyang mga anak
ay mabubuting pagpapahalaga na sumasalamin sa
sangkatauhan, lumalampas sa mga bansa, mga etnisidad,
at mga kultura.

Ang World Mission Society Church of God, na nagdiriwang ng ika-60 anibersaryo nito sa taong 2024, ay idineklara ang Nobyembre 1 bilang "Araw ng Pag-ibig ni Ina at ng Kapayapaan" at naglulunsad ng kampanya para sa komunikasyon at pagkakasundo, isinasagawa ang pag-ibig ni Ina sa kanilang pang-araw-araw na buhay kada Nobyembre.

Ang kampanyang ito ay nakaayon
sa Internasyonal na Araw Para sa Pagpaparaya ng UN.
Sa panahon na napupuno ng alitan, karahasan, at digmaan,
umaasa kami na ang pag-ibig ni Ina ay lalaganap sa buong
mundo at magdadala ng napapanatiling kapayapaan.

Panoorin sa isang video ang kuwento ng kapayapaan na ibinahagi
sa pamamagitan ng ”Mga Salita ng Pag-ibig ni Ina.”

1:24
#01 Oras ng Pagkain
1:16
#02 Elevator
1:29
#03 Opisina

Ang tema para sa taóng ito ay "Ang mga Salita ng Pag-ibig ni Ina na Nagsusulong ng Kapayapaan."

Magigiliw na salita na punô ng pag-unawa at konsiderasyon,
makipag-usap sa pamamagitan ng "Mga Salita ng Pag-ibig ni Ina."
Saanman umaabot ang pag-ibig ni Ina, nananatili roon ang kapayapaan.

01.Kumusta ka?

Ang unang salita tungo sa kapayapaan

Ang kapitbahay na nakasalubong mo sa elevator,
ang kaibigang nadaanan mo sa pasilyo,
ang mga mapagpasalamat na taong nag-aalaga
at pumoprotekta sa kapitbahayan ...
Batiin ang mga nakikita mo araw-araw
o nadaraanan mo nang may taos-pusong pagbati.

02.Salamat. Salamat sa iyo. Ikaw ay nagsumikap.

Magpahayag ng pasasalamat kahit para sa maliliit na pagsusumikap at mga kabaitan.

Ipahayag ang iyong pasasalamat para sa
mga kamay na naghanda ng mainit na pagkain
para sa iyo at ang kabaitan na naghatid sa iyo
nang ligtas sa iyong destinasyon.
Habang dumarating at umaalis ang magigiliw
na puso, namumukadkad ang kaligayahan
sa iyong pamilyar na pang-araw-araw na buhay.

03.Patawad. Marahil ay mahirap ito para sa iyo.

Mga salita na nagpapalambot ng puso
sa pamamagitan ng unang pag-unawa
sa damdamin ng iba

Kailangan mo ba ng mapayapang relasyon
sa isang tao?
Paano kung pagnilayan mo ang iyong mga salita
at mga kilos mula sa pananaw ng taong ito?
Humingi ng paumanhin sa iyong mga pagkakamali
at unang makipag-ugnayan. Ang kapayapaan ay
dumarating sa mapagpakumbabang puso.

04.Ayos lang ito. Naiintindihan ko.

Mga salita ng pagpapatawad na yumayakap sa mga pagkakamali

Maaaring magkamali ang sinumang tao.
Mabait na yakapin ang mga nasa mahirap na sitwasyon nang may pagkabukas-palad.

05.Pakiusap, mauna ka.

Kapag nauubusan ng pasensiya,
huminga at magpaubaya sa iba.

Sa makina ng tiket para sa subway, checkout counter sa supermarket, o sa harap ng manibela ... subukang unang magpaubaya sa mga abalang sitwasyon.
Ang sandali ng pagpapasensiya ay nagdadala ng kapayapaan sa iyong araw.

06.Gusto kong marinig ang iba mo pang pag-iisip.

Kapag magkakaiba ang mga opinyon, makinig nang mas mabuti sa iba.

Sa sitwasyon kung saan magkakaiba
ang mga opinyon at ipinipilit ng bawat tao
ang kanilang opinyon, mangyaring huminto
nang sandali at makinig.
Ang paggalang at konsiderasyon sa iba ay
ang susi sa mabisang komunikasyon.

07.Mananalangin (o susuporta) ako para sa iyo. Magiging maayos ang lahat.

Magbigay ng taos-pusong pagsuporta
at pagpapasigla.

Ang pagkaalam na may mga taong sumusuporta
at nagpapasigla sa akin ay nagbibigay sa akin ng
lakas sa anumang sitwasyon. Mangyaring ipadala
ang iyong taos-pusong suporta at pagpapasigla
sa mga dumaranas ng mahirap na sitwasyon.

Ngayon, kamtin ang kapayapaan sa pamamagitan ng
"Mga Salita ng Pag-ibig ni Ina."
Makilahok sa Kampanya