Pagdiriwang ng Buwan ng Pamilya at Internasyonal na Araw ng Pamilya (Mayo 15)

Simula ng Kapayapaan:
Wika ng Pag-ibig ni Ina
Patimpalak sa Pagbabahagi ng Pag-ibig sa Pamilya sa Taong 2026

May bagay ba sa iyong puso na hindi mo pa nasasabi?
Mga damdamin ng pag-ibig na hindi mo naipahayag,
mga salita ng pasasalamat o paghingi ng tawad na hindi mo nasabi
Ngayon, ibahagi ang iyong tunay na damdamin sa pamamagitan ng Wika ng Pag-ibig ni Ina na nagdadala ng kapayapaan.
Kung saan umaabot ang pag-ibig ng isang ina, doon nagsisimula ang kapayapaan.
Mayo 1 – Hunyo 30, 2026

Tema

Komunikasyon at pagbabago sa loob ng pamilya sa pamamagitan ng Wika ng Pag-ibig ni Ina

Paano Mag-apply

UNANG HAKBANG. Ibahagi
Pumili ng isa sa siyam na Wika ng Pag-ibig ni Ina at ibahagi ang iyong puso sa iyong pamilya.
* Anumang format: pag-uusap, tawag sa telepono, text message, liham, at iba pa
IKALAWANG HAKBANG. Irekord
Kunan ang proseso ng pagbabahagi ng iyong puso at ang tugon ng taong pinagbahaginan mo nito.
* Anumang format: video, audio, larawan, at iba pa
영상
음성
사진
IKATLONG HAKBANG. Isumite
Isulat ang mga pagbabagong nangyari sa iyong ugnayan bilang pamilya o ang iyong mga naging repleksiyon, at isumite ang mga ito kasama ng iyong mga rekord.
* Kinakailangan: Hindi bababa sa isang media file + Nakasulat na repleksiyon

Format na Kalakip na File

  • Video/Audio: Hanggang tatlong minuto / Mga Larawan: Walang Limitasyon
  • Pangalan ng File: Pamagat_Pangalan Halimbawa) Mahal ko ang aking pamilya_Sarang Kim

Sino ang Maaaring Sumali

Sinuman, di-alintana ang edad

Pag-aanunsiyo ng mga Nanalo

Nobyembre ng 2026 (Nakatakdang Isagawa)
Mga Note
  • Ang mga isinumiteng aplikasyon ay maaaring magamit sa iba't ibang mga materyales na pangpromosyon para suportahan ang kampanya, kabilang ang mga press release ng Simbahan, mga online at offline na eksibisyon, at mga nakalimbag na publikasyon.
  • Ang karapatang-ari ng bawat isinumiteng aplikasyon (kasama ang Karapatan sa Pag-aayos) ay nakalaan sa World Mission Society Church of God, at ang bawat aplikasyon ay maaaring baguhin alinsunod sa patakaran sa pag-eedit.
  • Mangyaring tiyakin na nakakuha ka ng pahintulot para sa karapatan sa sariling larawan mula sa lahat ng taong lumilitaw sa iyong isinumite. Kung kinakailangan, mangyaring i-download at isumite ang Pahintulot Para sa Paggamit ng mga Larawan, mga Video, at mga Audio Recording.
  • Hindi pinahihintulutan ang mga content ginawa o inedit gamit ang generative AI. Ang lahat ng isusumite ay dapat na nakabatay sa mga tunay na personal na karanasan.
Sumulat